About The Author

Ako si Flow Galindez, isang blogger, I blog about advocacy, events, etc. Member ako ng Filipino Voices kilala rin ang blog na ito as angsawariko.blogspot.com. Email: flowgalindez@gmail.com

Get The Latest News

Sign up to receive latest news

Thursday, August 28, 2008

Katrina Halili reigns supreme as Maxim September covergirl



GMA 7's Katrina Halili and one of FHM's top 100 sexiest girls is now Maxim's cover girl for September. Maxim September issue is now out for grab.





Subscribe to Email Blast

»»  read more

Saturday, August 23, 2008

Phychiatric test para sa OFW: sagot nga ba sa totoong isyu ng mga OFW?

video

Psychiatric test, ito ang panibagong requirement ng DFA para sa mga taong nagnanais maging domestic helper sa ibang bansa. "Domestic helpers should be assess if they are able to respond to this type of stress" ito ang paliwanag ni Undersecretary Esteban Conejos ng Department of Foreign Affairs, ayon sa kanya dito masusukat ang kakayahan ng kanilang isip at emosyon ang anumang pagsubok sa abroad. Habang taliwas ang pananaw ng mga NGOs na sumesentro sa advocacy ng mga migranteng kababaihan, ayon sa kanila dagdag gastos ito sa mga Pinay na nag nanais mag abroad at walang saysay ang psychiatric test kung aabusuhin lang sila sa abroad. Ngunit naninindigan si Undersecretary Cornejos na sa makikita sa psychiatric test kung maaaring isabak ang isang domestic helpers sa abroad.

Pero aminin natin taliwas ang panukalang ito sa totoong dapat ginagawa ng ating pamahalaan at ng mga embahada natin sa ibang bansa lalo na sa Middle East. Hindi kailangan ng mga domestic helper ang psychiatric test para malaman kung nararapat siyang isabak sa trabaho sa ibang bansa at kung may kakayahan sila sa aspeto ng emosyon at pag-iisip. Ang kailangan ng ating mga kababayang domenstic helpers at iba pang OFW ay isang matatag na security para sa kanila sa mga bansang napili nilang pagtrabahuan, security para sa kanilang karapatan, security nila bilang tao laban sa pang aabuso at pagmamaltrato ng mga amo nila at ito ang kulang sa ating pamahalaan at mga embahada sa ibang bansa.

Walang taong matatag ang kakayahan sa pag iisip at emosyon sa panahong mangibang bansa siya para humanap nang swerte para sa kanya at sa pamilya. Kung tuluyan ipapatupad ng Department of Foreign Affairs marahil wala nang pumasa sa mga domestic helpers nating halo halo ang emosyon dahil sa pag iwan niya sa kanyang pamilya sa bansa, at magulo ang isip dahil nangangamba siya sa panibagong hamon sa kanyang buhay, at kung anong kahihinatnan niya sa bansang pagtratrabahuan. Lahat walang kasiguruhan dahil ang pagtratrabaho sa ibang bansa kahit dito sa Pilipinas ay pawang pagsusugal lamang nang tapang, emosyon at pag iisip. Lumalayo na ang Department of Foreign Affairs sa totoong problema at mas lalo pa nitong pinahihirapan ang mga taong nag nanais magkaroon ng swerte sa ibang bansa.

Isang malaking ANG SA WARI KO lang, alam ba nila ang suliranin ng ating mga kababayang domestic helpers at mga OFW sa banyagang lupain? Sana OO alam nila, para saan pa't nasa pwesto sila, dahil para sa akin hindi Pyschiatric test ang sagot sa matagal nang suliranin ng mga migranteng Pinoy sa ibang bansa kundi isang masasandalang embahadang alam ang karapatan at alam kung paano ipagtanggol ang kapwa Pinoy nitong biktima ng pang aabuso at pagmamaltrato. Ilan pa bang kabaong ang dapat salubungin nang mga pamilyang pinangakuan nang masaganang buhay para kumilos nang tama ang ilang mga embahadang ginagawa nila dapat ang kanilang mga trabaho, sana putulin na natin ang mga suliraning ito at magkaroon nang maayos na panukala para sa ating mga kababayan sa abroad.











Subscribe to Email Blast
»»  read more

Friday, August 22, 2008

I Love Betty La Fea Full Trailer



www.ABS-CBN.com and Ilovebettylafea.multiply.com releases the full trailer of I Love Betty La Fea that will air this September.






Subscribe to Email Blast

»»  read more

Tuesday, August 19, 2008

Video of Burlesk Queen Dita von Teese from Vicky Belo's Party



TV Patrol releases the video of controversial Burlesk Queen Dita von Teese from Vicky Belo's Party last August 8, 2008.





Subscribe to Email Blast

»»  read more

Pagtataray ni PGMA sa isang Press Conference

video

Fiesta na naman sigurado ang mga kontra kay President Gloria Macapagal Arroyo matapos mag-air sa TV Patrol World at Bandila kagabi ang insidenteng naganap nang nagpatawag ang pangulo ng isang press conference. Ang isyu hindi pa handa nang sumalang siya sa harap ng media dahil walang teleprompter ang pangulo na nagresulta nang dalawang beses niyang pag walk out at pagkabagot at kita ito nang mga press at mga nanonood sa telebisyon. Halo halo ang opinyon pero ang isang malaking katanungan sa mga ilang eksena na nakikita natin sa ating pangulo kagaya nang pagsusungit nito, pananabon nang ilang mga tauhan nito, at ang pagwawalk out, hindi na ba inaalintana ng pangulo ang mga ganitong gawain sa harap nang mapanuring mata nang lipunan? Ang dating Gloria ba ng masa noon na nakangiti na may dalang mga palay, gulay at mga bulaklak sa mga posters noong nangangampanya ay tila napapalitan na nang masungit at madaling mabagot na pangulo?

Marahil sasabihin ng ilan tao rin si PGMA, naiinis, nababagot, at nagsusungit, pero para sa ilang mapanuring mata, tama ba ang iginawi ni Ginang Arroyo sa kanyang mga tauhan? Lahat tayo ay nanonood lamang at tagasubaybay sa napakalaki at napakahabang teleserye nang buhay Pinoy at ito ang drama sa pulitika.





Subscribe to Email Blast
»»  read more

Sunday, August 17, 2008

John Lloyd Cruz is Armando Solis on ABS-CBN's I Love Betty La Fea

www.ABS-CBN.com The Buzz and Ilovebettylafea.multiply.com announces John Lloyd Cruz as Armando Solis on ABS-CBN's I Love Betty La Fea!







Subscribe to Email Blast

»»  read more

Friday, August 15, 2008

Pilipinas makiki-CHArter CHAnge ka ba?



Para isang ordinaryong mamamayan walang halaga ang salitang CHARTER CHANGE o Cha Cha lalo na sa isang taong araw araw kumakayod kalabaw para lang mapunan ang kumakalam niyang sikmura at sikmura ng kanyang pamilya. At para sa iba ang cha cha ay isang ordinaryong sayaw lamang, pero sa pamahalaan ito ang sayaw na tinutukoy nilang pagbabago na tutulong sa pag aayos ng gulo sa Mindanao at sasagot sa suliranin pampulitikal ng bansa. Pero para kay Juan dela Cruz sagot din ba ito sa lumulobong populasyon sa bansa? Sagot ba ito sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin? Sagot ba ito sa pagsugpo ng kamang-mangan ng bansa? Sagot ba ito sa sa kakarampot na kinikita ng mga manggagawa?At sagot ba ito kahirapang matagal nang kinasasadlakan ng bansa?

Marahil hindi, dahil kung ito man ang sagot sana noon pa ito ginawa nang mga naunang pangulo ng bansa. Pero ang usapan ng Charter Change at tila ipinapasok sa panahong may suliranin ang bansa at abala ang mga tao sa mga pansarili nilang pangngailangan at hindi sa politikal na estado ng bansa.

Tulad sa isang kanta "We had the right love at the wrong time", hindi ba mali ang panahong ito para pag usapan ang charter change dahil dapat mas iniisip ng mga nanunungkulan ang nasa harapang suliranin ng bansa? Pag ibig ba sa bayan ito o sadyang taktika na lang para sa pansarili nilang kapakanan na nakaupo sa pwesto?

Mangmang man ang ilang Filipino sa usapang politikal lalo na sa konstitusyon dahil na rin hindi sapat ang kanilang kaalaman sa mga bagay na ito. Pero hindi mangmang si Juan dela Cruz sa panahong alam niyang pinagsasamantalahan na ang kanyang kahinaan. Bakit pinapasok na ang usaping ito kung ang totoong suliranin ay nakaamba sa kanilang harapan. Hindi ba dapat ayusin na muna ang problema ngayon, ang pagkalam ng sikmura, ang kulang na kaalaman, ang butas na bulsa, ang tumutulo at binabahang mga tahanan, at ang lomolobong populasyon? Cha cha lang ba ang sagot? O china-cha cha nyo na lang ang kahinaan ng taong bayan para sa sarili ninyong kapakanan?






Subscribe to Email Blast

»»  read more

IMMAP (Internet and Mobile Marketing Association of the Philippines) Summit 2008 and The Boomerang Awards 2008

Here are some images I can share from the 2nd IMMAP (Internet and Mobile Marketing Association of the Philippines) Summit 2008 and The Boomerang Awards 2008 in Manila Intercontinental Hotel in Makati







Subscribe to Email Blast

»»  read more

Thursday, August 14, 2008

What is your stand on Charter Change?

President Gloria Macapagal Arroyo and her allies is pushing the idea of Charter Change as the solution for the peace issues in Mindanao and other problems that the country is facing right now.

I want to know your Sa Wari (Opinion) on the topic are you in favor of charter change? If Yes what are the possible positive that Philippines will gain from this? If No, what are the other alternatives that the government should resolve to and what problem should the government target first?

Feel free to post your Opinions after all everything is all Ang Sa Wari(s).



Subscribe to Email Blast

»»  read more

Monday, August 11, 2008

Ang mga pag asa at pangarap sa ARMM Election

Bilang isang ordinaryong mamamayan na may paniniwala pa rin sa boto ng nakakarami. Isang simbolo ng pag asa ang ARMM election na nagaganap ngayon sa ating mga kapatid sa Mindanao. Mula sa paghadlang ng mga taong nais ipatigil ang nasabing eleksyon at namayani pa rin kung ano ang naitakda na ng Comelec, pero sa kabila nito ay hindi pa rin natin maaalis ang pangambang mayroong gulong maaaring mangyari dahil na rin sa iringan ng militar at ng grupo na MILF.

May pag asa pa ba?

Mayroong pag asa sa mga taong naniniwala, hindi ako isang taong maituturing na hard core political fanatic pero ang sa akin ay ibinabahagi ko ang aking ideya at saloobin sa mga bagay na nangyayari sa aking paligid lalo na sa lipunan at kapakanan ng kapwa. Ang eleksyon ay nagpapatunay na may demokrasya pang nagaganap sa Mindanao at ito ay ang may layang bumoto at mamili kung sino ang iluluklok sa kapangyarihan. Hanggang ang tao ay may pamamaraan sa kanyang pagpapahayag ng pananaw at pag mamahal sa kalayaan ay may pag asa pa.

Kapatid boboto ka ba?

Oo dapat kang bumoto kahit nasa kalagitnaan ka ng isang malaking gulo sa Mindanao. Dahil ang isang boto mo ay maaring makapagpabago ng mga pangyayari lalo na sa pamamalakad at sistema ng lokal na pamahalaan. Ang isa mong boto ay siyang magdidikta ng kinabukasan ng Mindanao lalo na pag pinagsama sama ang boto ng mga kapatid nating mga Muslim at Kristiyanong may paniniwala sa kapangyarihan ng pagboto.

Pagbubukod at paghihiwalay sagot nga ba?

Tulad ng sinabi ko sa isa kong kasama sa pagpapahayag ng pananaw sa pamamagitan ng blog. Hindi sagot ang pagkakahiwa-hiwalay o pagbubukod upang magkaroon ng kapayapaan. Hindi rin kaya nitong hilumin ang sugat ng hindi pagkakaunawaan at pagkakaiba-iba ng pananaw at paniniwala.

At kung sang ayon ka sa pagkakahiwalay o pagbubukod, marahil para mo na rin sinabing sang ayon ka sa maaaring pagbubukod ng Iglesia, Protestante, Ateista at iba pang paniniwalang taliwas sa ibang paniniwala. Simpleng analogy lang hindi mo matuturing ang isang bahay na ang tanging laman lamang ay kusina, sala o silid tulugan lamang, dahil ang isang bansa tulad ng Pilipinas ay hindi magiging Pilipinas kung humiwalay ang ilang bahagi ng Mindanao.

Ang sa akin lang nawa'y mas isipin pa nang malalim ng gobyerno na kung ano pang hakbang at plano ang karapat dapat na isagawa at hindi itulak ang planong pagbubukod. Sa kabila ng krisis sa Mindanao ay naniniwala pa akong may pag asa pa para sa mga kapatid kong Muslim at Kristiyano na mamuhay ng payapa sa isang komunidad, lipunan at bansang hindi kainlan magbabaha-bahagi sa kabila ng ibang paniniwala at pamumuhay. Isa lang ang Panginoon, iba nga lang ang wangis niya, pangalan at pinagmulan base sa ating relihiyon at pananalig.






Subscribe to Email Blast

»»  read more

Friday, August 8, 2008

Beijing 2008 Updates

Exclusive Summer Olympics news & widgets at NBC Olympics.com!
»»  read more

Thursday, August 7, 2008

with Lani Misalucha


We had a chance to interview Lani Misalucha in Universal Records just this afternoon (August 7, 2008)







Subscribe to Email Blast

»»  read more

Friday, August 1, 2008

My new slippers



Dahil hostage ng tito ko ang slippers ko ngayon napilitan na ako i-give up yun kaya bumili ako ng bago sa Bench cute sya pero di sya mahal di naman ako magsusuot ng 900 worth na slippers at ilalakad ko lang at pambahay di pa





Subscribe to Email Blast

»»  read more

Inside Eco Moda Manila (I Love Betty La Fea)




Sharing some pictures from the Eco Moda Manila Blessing this morning. Yan lang yung personal pictures na meron ako rest iuupload ko sa official multiply site ng ilovebettylafea.multiply.com








Subscribe to Email Blast

»»  read more
Blog Widget by LinkWithin