Your Ad Here

About The Author

Ako si Flow Galindez, isa akong blogger na halo halo ang post, kilala rin ang blog na ito as angsawariko.blogspot.com. Email: flowgalindez@gmail.com

Subscribe to RSS Feed

Sign up to receive updates

Saturday, November 21, 2009

Super Inggo returns in full Animation

Kung dati ay minahal niyo si Budong bilang Super Inggo, ngayong November 22, 10:30 ng umaga, pagkatapos ng "Matanglawin," ay makakasama niyo siyang muli ngunit bilang isang anime character na! Siguradong mage-enjoy ang buong pamilya sa special Super Inggo at ang Super Tropa animation series handog ng ABS-CBN.

Ang Super Inggo at ang Super Tropa ay ang kauna-unahang Pinoy anime series na mapapanuod at patuloy na magbibigay inspirasyon sa bawat kabataang Pilipino na may puso sa pagtulong sa kapwa.

Talagang pinagkagastusan ng kapamilya network ang seryeng ito na may drama, action at fantasy!

13 weeks mapapanood ang adventures ni Budong kaya naman talagang dapat itong abangan.



"We are very proud of this project," sabi ni Raymund Dizon, Business Unit Head. "Talagang masasabi naming pinoy na pinoy ito." Tutukan ang pinaka-unang animation series na ginawa mismo ng mga Pilipino
para sa Pilipino.

Huwag palampasin ang Super Inggo at ang Super Tropa animation series simula November 22 (Linggo) sa ABS-CBN!

Visit the official website at www.superinggo.tv.
Bookmark and Share

Subscribe to RSSPhotobucket

0 comments:

Blog Widget by LinkWithin LinkShare_468x60v1